7.16.2004

nung una wala lang, parati lang kayong
magkasama..

wala kasi kaibigan lang naman..

walang tinatago kahit kanino, kaya lakad dito,
punta dun, pasama kahit saan..

ang sama sama mo pa nga sa kanya, kasi parang
wala kang pakialam..

naiinis ka pa nga kung bakit ang kulit kulit nya
sa isang araw nakakalimang tawag sya sayo..

wala lang kung anu ano lang pinaguusapan..

pagnagkikita naman ang lambing lambing nya
sayo..ikaw pa naman yung taong hindi sanay sa
ganon..kaya parati mo syang binabara..

tapos isang araw, mapapansin mo na lang na
hinahanaphanap mo sya..

bigla ka na lang mapapangiti pag naaalala mo ang
mga ginagawa nyo noon..

pagmagkaharap kayo napapansin mo na yung mga
bagay na dati di mo nakikita..

ang tangos pala ng ilong nya, ang haba ng pilik
mata..

ang ganda pala nyang ngumiti, ang pula ng mga
labi..

pagmagkasama kayo komportableng komportable ka..

alam mong binabantayan ka nya..

alam mong isa kang prinsesa..

alam mong walang mananakit sayo..

pero kung dati wala kang pakialam, ngayon lahat
sayo may dahilan..

hindi ka lang mabati, bigyan ka lang ng kendi..

tanungin ka lang kung kumain ka na, hindi man
lang tumawag

malaking bagay na yun sayo!

buong gabi tinatanong mo sarili mo BAKIT KAYA
NYA
GINAGAWA YUN?

tapos sasabihin mo sa sarili mo, magkaibigan
lang
kayo!

kaibigan lang ang tingin mo sa kanya..

kaibigan lang din ang tingin nya sayo..

oo nga naman magkaibigan kasi kami..

dadaan ang mga araw, magpapatuloy ang ganyan..

hindi mo maintindihan bakit ganun ang
nararamdaman mo..

tapos sasabihin mo sa sarili mo, magkaibigan
lang
kayo!

lahat ng nakapaligid sayo nagtatanong,
nangaasar,
nagungulit

tinatanong kung ano ba talaga kayo..

paguwi mo sa bahay paghiga sa kama, hindi
makatulog..

tatanungin mo din ang sarili mo ano ba talaga
kami?

tapos sasabihin mo sa sarili mo, magkaibigan
lang
kayo!

tapos biglang mapapansin mo na lang na bigla
syang nagbago..

hindi na parang nung dati, iniiwasan ka na nya..

hindi ka na kinakausap, ni di ka nga matingnan..

ano kaya ang nangyari, may ginawa ka ba na
kinagalit nya?

yan ang mga tanong na madalas na naiiwan sayo..

mga tanong na walang kasagutan..

kung meron man, isang tao lang ang makakasagot..

hindi ang bestfriend mo, hindi ang kapatid mo..

ang kaibigan mo lang..pero kaya mo bang
itanong?

tapos sasabihin mo kaibigan lang naman, gusto ko
lang magtanong..

tapos bigla ka na lang
matatakot..mahihiya..maiilang..

tapos sasabihin mo kaibigan lang naman..

biglang isang araw nagkaroon ka ng lakas ng loob
na lapitan sya..

paglapit mo, di ka makapagsalita, di ka
makatingin sa mata nya..

pero pinilit mo pa din, kahit mahirap..

palayo ka na, hindi mo na alam kung saan ka
papunta..

naglalakad ka na parang tumatakbo, pero walang
direksyon..

biglang hinawakan mo ang libro mo ng mahigpit at
tumungo..

di mo inaasahang tumulo ang mga luha sa iyong
mga
mata,

bigla kang natawa..

sabi ko nga kaibigan LANG..




--***--

here is my star see how she shines in the light of day never see her light here is my star see how she shines in the vast sky i keep her mine she keeps making circles in my head at lover's gates here i stand no one to hold to hold my hand at lover's gates here i stand here in the cold see my star land she is this obsession in my life so tell me now why d'you have to be why d'you have to be so cold you didn't have to be you don't have to be so cold i look much older so they say it feels much colder in this place it seems so empty without my star i feel no warmth i raise my hand to meet the light stared at my star till i was blind here is my star is it mine so quit this perversion in my mind

2006
jan.
2005
dec. nov. oct. sep. aug. jul. jun. may. apr. mar. feb. jan.
2004
nov. oct. sep. aug. jul.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com